^

PM Sports

Bulldogs sinibak ang Warriors

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipasok ni Alfred Aroga ang dalawang krusyal na free throws bago nabulilyaso ang 3-point attempt ni Pedrito Galanza upang angkinin ng National University Bulldogs ang ikaapat at huling upuan sa 77th UAAP men’s basketball Final Four sa 51-49 panalo sa host UE Red Warriors kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang mga free throws ay nangyari matapos pasabitin ni Aroga si Charles Mammie mula sa magandang inbound play kay guard Paolo Javelona.

Binasag ng mga buslong ito ang huling tabla sa 49-all pero may 12.4 segundo pa sa orasan para sa posibleng panablang play ng Warriors.

Si Roi Sumang ang sentro ng play na dinisenyo ni coach Derrick Pumaren pero handa si NU mentor Eric Altamirano kaya’t  nilapatan niya ang ace scorer ng kalaban ng double-teaming defense.

Nakita ni Sumang na libre si Galanza para sa kanya ibigay ang bola pero tumama lamang ng ring ang pinakawalan niyang buslo na dahilan para mamaalam na ang host school sa liga.

“We knew coming into that time out that they will go to Sumang. We knew he’s going to attack and  make those one-on-one plays.  We just tried to double team him and force him to give up the ball,” wika ni Altamirano na tumapak sa Final Four sa ikatlong pagkakataon sa limang taon bilang mentor ng NU.

Ang graduating player na si Glenn Khobuntin ay may 12 puntos, kalahati rito ay sa huling yugto ginawa, habang si Aroga ay may 7 puntos at 8 rebounds.

Makakalaban ng NU ang No. 1 na  team Ateneo Blue Eagles sa Final Four at kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang katunggali para umabante sa finals.

Si Sumang ang nanguna para sa UE sa kanyang 19 puntos at 13 ang ginawa sa huling yugto habang si Galanza, na nasa huling taon ng paglalaro, ay nagtala lamang ng siyam na puntos at hindi nakaiskor sa huling 10 minuto ng labanan. (AT)

 

ALFRED AROGA

AROGA

ATENEO BLUE EAGLES

CHARLES MAMMIE

DERRICK PUMAREN

ERIC ALTAMIRANO

FINAL FOUR

GALANZA

GLENN KHOBUNTIN

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with