^

PM Sports

May pag-asa sa wushu at tennis

Maribeth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Nakasilip ng tsansa sa gold medal ang Team Philippines sa mga panalo ng dalawang sanda artists at ng men’s tennis team sa pagsisimula ng kampanya ng Pilipinas sa panimulang araw ng kompetisyon sa Asian Games dito.

Nakitaan ng husay sina Jean Claude Saclag (men’s -60kg) at Divine Wally (women’s-52) nang pulbusin ang mga nakalaban sa round-of-32 upang lumapit ng isang hakbang tungo sa medal round sa contact sport ng wushu.

Sa Ganghwa Dolmens Gymnasium ginagawa ang aksyon at si Saclag, bronze medalist sa 2013 World Wushu Championships, ay umiskor ng 2-0 panalo kay Lin Tun Kyaw ng Myanmar habang ganito rin ang panalo ni Wally, bronze medalist din sa 2013 Myanmar SEA Games, laban kay Ho Yee Chao ng Hong Kong.

Impresibo rin ang panimula ng men’s netters nang umukit ng 3-0 panalo laban sa Mongolia na pinaglabanan sa Yeorumul Tennis Courts.

Hindi nakatikim ng set loss sina Ruben Gonzales Jr., Patrick John Tiero  na nanaig kina Badrakh Munkhbaatar (6-3, 6-2) at Erdenebayar Duurenayar (6-4, 6-2) sa  dalawang singles matches, ayon sa pagkakasunod bago nakipagtambal si Gonzales kay Treat Huey tungo sa 6-0, 6-0, dominasyon kina Oyunbat Baatar at Sukhjargal Sukhbaatar sa doubles.

Ang mga tagumpay na ito ang naging pakonsuwelo matapos malaglag ang inasahang magbibigay ng kauna-unahang medalya sa Pilipinas na si weightlifter Nestor Colonia sa men’s 56-kilogram division.

Umabot ang kaba sa dibdib ni Colonia at hindi nagawang buhatin ang 120-kg bar sa kanyang tatlong pagtatangka sa snatch para ma-DNF sa kompetisyon.

Ang mga trap shooters na sina Hagen Alexander Topacio at Eric Ang ay wala rin sa target at ang tatlong rowers na sumalang ay bumagsak sa repechage.

Nalagay si Topacio sa ika-33rd puwesto sa 65 puntos matapos ang tatlong rounds (22-21-22) habang si Ang ay nasa mas masamang 40th place sa 63 puntos (21-21-21).

Ang Sydney Olympian na si Tolentino ay naorasan ng  pitong minuto, 37.05 segundo sa 2,000-metro karera pero sapat lamang ito para sa ikaapat na puwesto sa single sculls habang ang magkatuwang na sina Nestor Cordova at Edgar Ilas ay may 6:54.52 tiyempo sa parehong distansya para sa pangatlong puwesto.

Wala namang naging problema sa flight ng Gilas Pilipinas team na maayos na nakarating dito kagabi.

ANG SYDNEY OLYMPIAN

ASIAN GAMES

BADRAKH MUNKHBAATAR

DIVINE WALLY

EDGAR ILAS

ERDENEBAYAR DUURENAYAR

ERIC ANG

GILAS PILIPINAS

HAGEN ALEXANDER TOPACIO

HO YEE CHAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with