Rubio ‘di pakakawalan ng Wolves
MINNEAPOLIS -- Matapos ang blockbuster trade kay Kevin Love na nagpabago sa mukha ng Minnesota Timberwolves, may isa pang hakbang na gagawin ang koponan bago magsimula ang bagong season.
Si point guard Ricky Rubio ay puwede pang alukin ng extension sa kanyang rookie contract at nakikipag-usap na sa Timberwolves para maisara ang isang kasunduan.
Kung wala pang kontratang napipirmahan si Rubio hanggang sa Oktubre 31 ay maaaring maging isang restricted free agent ang Spaniard.
Sinabi ni Timberwolves general manager Milt Newton na tiwala siyang mapaplantsa ang kasunduan nila ni Rubio.
“We’re going to look at the situation the same way we did with Kevin,” sabi ni Newton. “We’re going to do the best thing for the organization, and if we can get something done sooner, great. If not, we’re not necessarily in a rush.”
Kung si Rubio ay magiging isang restricted free agent, maaaring tapatan ng Wolves ang anumang offer na darating sa kanya sa open market.
Sa kasalukuyan ay tila hindi sila handang ibigay ang isang five-year maximum contract kay Rubio na naunang inireserba ni dating team president David Kahn.
“Going forward, you want to show good will and trust in a player,” wika ni Newton. “So it can kind of go both ways whether you wait or do something now, but it has to be right for both sides.”
- Latest