^

PM Sports

Pinoy athletes makikipagsabayan sa kanilang mga karibal sa Asiad

Pang-masa

INCHEON, Korea -- Si­simulan ng mga rowers, shooters at tennis players ang kampanya ng Pilipi­nas sa 17th Asian Games di­to.

Pangungunahan ni rower Nestor Colonia ang kam­panya ng Pinas sa pagsabak  sa men’s 56-kilogram class na gagawin sa Moonlight Festival Garden dito.

Sa ganap na alas-7 ng gabi (6 p.m. sa Manila) magsisimula ang aksyon at malakas ang tsansa ni Colonia na pumasok sa medal race dahil sa magandang ipina­ki­ta niya sa paghahanda sa ilalim ng coach at tiyuhin na si Gregorio Colonia.

“Ang personal best niya ay nasa 280 kgs, at ka­­yang mag-medal ito kung mauulit niya sa kom­­petis­yon,” wika ng nakatatandang Colonia.

Ito ang ikalawang Asian Games ni Colonia  at tu­­mapos siya sa ikaa­nim na puwesto sa 2010 Guangzhou, China sa buhat na 255 kgs.

May iba pang Filipino athletes ang mauunang sasalang sa aksyon na  sina trap shooters Eric Ang at Hagen Alexander Topacio ang siyang magpapasi­mula sa la­ban ng bansa sa qualification round sa ganap na alas-9:30 ng uma­ga sa Gyeonggido gym.

Sasabak na rin ang mga Pinoy net­ters na si­na Dennis Dy at Katharina Melissa Lehnert sa ka­ba­baihan at Fil-Ams Ruben Gonzales Jr. at Treat Huey bu­kod kay Patrick John Tierro sa kalalakihan.

Sina Benjamin Tolentino (lightweight single sculls) at ang tambalang Nestor Cordova at Edgar Ilas (light­weight double sculls) ang kakampanya sa rowing sa Chungliu  Tanguem Lake. (BRM)

ASIAN GAMES

COLONIA

DENNIS DY

EDGAR ILAS

ERIC ANG

FIL-AMS RUBEN GONZALES JR.

GREGORIO COLONIA

HAGEN ALEXANDER TOPACIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with