^

PM Sports

Paul Lee pumirma na ng kontrata sa Rain or Shine

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago bumiyahe patu­ngong Incheon, South Korea para samahan ang Gi­las Pilipinas sa kam­pan­ya sa 17th Asian Games ay inayos muna ni Paul Lee ang kanyang da­pat ayusin.

Sa wakas ay nakipag-usap si Paul Lee sa Rain or Shine upang ayusin ang anumang gusot sa pagitan niya at ng kanyang team na nagbigay daan para mag­karoon ng kasunduan para sa kanyang paniba­gong kontrata sa Elasto Pain­ters.

Imbes na isang three-year deal ay nakipagnegosasyon uli ang kampo ng kontrobersiyal na player pa­ra sa dalawang taong kontrata na nagkakaha­laga ng P10.08 milyon ka­hapon.

Sa likod ng malawa­kang pagbaha sa Kamay­nilaan at sa masamang pa­nahon, sumugod ang 6-fot-1 na si Lee sa opisina ng Rain Or Shine kasama ang kanyang manager na si  Lawrence Chongson para makipagkita kay Mamerto Mondragon, ki­natawan ng Rain or Shine sa PBA Board of Governors.

Ang unang alok ng Rain or Shine ay isang three-year, P15.1 million deal na may maximum monthly salary na P420, 000.00.

Ngunit tumawad ang kampo ni Lee at pinagbigyan naman ito ng Rain Or Shine.

“They have a valid rea­son, they said that the ma­ximum salary might go up again after two years. So they’re keeping that op­tion open,” ani Mon­dra­gon.

Nagsimula ang isyu kay Lee nang hilingin ni­ya kay coach Yeng Guioa na i-trade siya  at hindi agad nagpakita sa practice ng team nang dumating siya mula sa kampanya ng Gilas sa World Cup sa Spain.

Kamakailan ay naki­pagkita siya kay Guiao upang ayusin ang proble­ma.

ASIAN GAMES

BOARD OF GOVERNORS

ELASTO PAIN

LAWRENCE CHONGSON

MAMERTO MONDRAGON

PAUL LEE

RAIN OR SHINE

SHY

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with