PBA opening sa Philippine Arena na Pacquiao lalaro ng 2-games bago ang laban vs Algieri
MANILA, Philippines - Kahit nasa kasagsagan na ng paghahanda sa laban kontra kay Chris Algieri, lalaro pa rin si Manny Pacquiao ng dalawang games sa PBA para sa Kia.
Inaasahang sasalang si Pacquiao sa Kia Motors-Blackwater preseason match-up sa Oct. 4 at sa debut game ng dalawang expansion team na ito sa opening ng PBA Season 40 sa Oct. 19 na pormal na itinakda sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
“Manny has confirmed to the commissioner (PBA commissioner Chito Salud) he’s playing against Blackwater,” sabi ni Kia Motors Eric Pineda matapos ang pagpapakilala ng Kia Motors Sorento team sa media sa World Trade Center kahapon.
“After the fight (kontra kay Algieri sa Macau sa Nov. 23), Manny will rest for two weeks and he’ll play more games with his Kia Sorento team,” sabi pa ni Pineda.
Inihayag din kahapon ni PBA Commissioner’s Office matapos inspeksiyunin ang Philippine Arena hard court, na tuloy na ang pagbubukas ng liga sa naturang venue.
“The Philippine Arena is ready. Lease contract is to be finalized,” sabi ni PBA operations chief Rickie Santos.
Kumpiyansa ang Kia Motors, sa pangu-nguna ni Glenn Capacio bilang kahalili ni Pacquiao habang wala ito, na palaban ang kanilang nabuong koponan na inaasahan nilang mananalo ng 4-games sa kanilang unang sabak.
“We’ve got scrappy, hard-working players who will give the other teams a good fight,” ani Capacio. “Our goal is to win four to five games. On where that brings us, it’s hard to tell. We have to be realistic this is the PBA. It’s a highly competitive league.”
Mula sa free agent pool at sa rookie draft, kinuha ng Kia sina Mike Burstcher, Hans Thiele, Rich Alvarez, Reil Cervantes, Angelus Raymundo, Chad Alonzo, Eder Saldua, Paul Sanga, Kenneth Ighalo, Joshua Webb, Chito Jayme, Rudy Lingganay, LA Revilla at JR Buensuceso.
“These are players all committed to work hard and try their very best to give all our rivals a good fight,” sabi ni Capacio. “As a newcomer, we’re not aiming high. We give a good fight in each game and we’ll be happy with that,” dagdag niya.
Inimbitahan ni Pacquiao ang kanyang buong team na manood ng kanyang laban kontra kay Algieri kaya pinakiusapan ang PBA na i-adjust ang schedule ng mga laro ng Kia para makapunta sila ng Macau.
- Latest