May aasahan sa Phl Team
INCHEON -- Malaki ang tiwala ni Chief of Mission at Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia sa kakayanan ng mga napiling Pambansang atleta na makapaghatid ng karangalan sa Asian Games na magbubukas ngayon sa modernong 61,000-sitting capacity Incheon Main Staidum.
“Our faith in this team, composed mostly of young Filipino sports achievers and a smattering of veterans for leadership is firm. This is a team that has potential based on their credentials,” wika ni Garcia.
Pinangunahan ni Garcia ang pormal na pagtanggap sa Pilipinas bilang isa sa mga bansang kasali sa isinagawang flag raising ceremony sa Athletes’ Village Flag Plaza kahapon.
Nakasama niya sa seremonya at buong gi-ting na inawit ang Lupang Hinirang ang mga atleta mula sa swimming, wushu, lawn tennis, shooting, gymnastics, sailing, judo, weightlifting at bowling na naunang dumating mula sa hanay ng 150-atleta ng bansa.
“We are now officially part of the Games. Some of our athletes are here and have started training in their respective training and competition venues,” dagdag ni Garcia.
Pakay ng maliit pero palabang delegasyon ang mahigitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tansong medalya na napanalunan ng Pilipinas noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.
“No team will slacken until we have achieved our goals in these Games,” matibay na pahayag ng CDM.
Dalawang world champions sa katauhan nina windsurfer Geylord Coveta at lady boxer Josie Gabuco at isang gold medalist noong 2010 Asiad na si bowler Engelberto ‘Biboy’ Rivera ang mangunguna sa kampanya ng bansa.
Si Coveta na nanalo ng RS: One World Championship sa windsurfing noong 2012 sa Boracay, ang siyang pinili ni Garcia para maging flag bearer ng Pilipinas sa opening ceremony matapos ang pag-atras ni Gilas Pilipinas forward-center Japeth Aguilar.
Ang 6’9 na si Aguilar na unang pumayag sa posisyon, ay kinailangang umatras dahil ang men’s basketball team ay sa Sabado pa ang dating.
Hindi makapaniwala si Coveta sa pagnonombra sa kanya para sa mahalagang puwesto sa pagparada ng Team Philippines ngayon.
- Latest