May sariling nutritionist ang Team Phl sa Asiad
MANILA, Philippines - Upang mapangalagaan ang kalusugan ng Pambansang Koponan sa Incheon, Korea na sasabak sa Asian Games, nagpadala ng nutritionist ang Philippine Olympic Committee (POC para bantayan ang mga atleta sa kanilang kinakain.
Maraming pagkain sa main dining hall ng Athletes Village kung saan magkakaroon ng mga bagong menu bawat araw na inaalala ng mga Phi-lippine Team officials.
“The POC is sending a nutritionist but he has to keep track of 150 athletes’ nutrition program and make sure they not only eat well but eat the right food,” pahayag ni Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia, Chief of Mission ng Philippine team.
Ayon kay Garcia, kakailanganin ang tulong ng mga coaches at maging ng mga staff ng bawat koponan para mabantayang mabuti ang lahat ng atleta.
“The problem, however, is that the athletes would be hard to monitor in a dining hall which is very big. The coaches and the teams’ technical staff should help in the monitoring,” sabi pa ni Garcia. “We don’t want to lose our chances at being able to compete in the medal rounds simply because one of our athletes had a bum stomach,” dagdag pa nito.
Ang mga posibleng injury sa training ay binabantayan din, samantalang maari pang matanggal ang ilang atleta sa kanilang mga line-up.
- Latest