^

PM Sports

Loreto lalabanan si Amol sa Oktubre 11

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang IBO light flyweight champion na si Rey Loreto na maipakita ang kan­yang husay sa harap ng mga kababayan sa pagsa­lang niya sa isang tune-up fight sa Oktubre 11 sa Davao City Recreational Center sa Davao City.

Noong Pebrero 1 ay naidagdag si Loreto sa hanay ng mga world boxing champions ng Pilipinas nang pi­na­tulog si  Nkosinathi Joyi ng South Africa para angki­nin ang bakanteng titulo.

Makakalaban ni Loreto si Heri Amol ng Indonesia na siyang main event sa fight card na handog ni da­ting North Cotabato Mayor at boxing promoter Manny Piñol at tinawag na ‘Clash of the little Titans’.

“Ito ay isang tune-up fight ni Loreto bago ang rematch nila ni Joyi sa South Africa sa December 12. Ma­husay na boxer si Loreto at naniniwala ako na masisiyahan ang mga manonood,” wika ni Piñol nang ma­ging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Makakasama sa card ni Loreto ang dating IBO flyweight champion na si Edrin Dapudong at Denver Cuello.

Si Dapudong ay mapapalaban kay Wisanlek Sithsaithong ng Thailand, habang si Cuello na nagbabalik matapos mamahinga sa loob ng isang taon dahil sa injury sa balikat ay masusukat kay Jaipeth Saksongym ng Thailand.

“Ang  tatlong ito ay may pinaghahandaang mga ma­lalaking laban matapos ito. Si Rey ay may rematch sa December, si Edrin ay mapapalaban sa world title sa first quarter ng 2015, habang sa second quarter next year maaaring mapalaban sa world title si Cuello. So kailangan nilang makakuha ng impressive wins para ma­tuloy ito,” dagdag ni Piñol na sinamahan din sa ses­yon ng tatlong boxers bukod pa sa mga boxing promo­ters na sina Aljoe Jaro at Brigo Sandig.

Nangako si Loreto na pasisiyahin niya ang mga ma­nonood lalo pa’t ang laban ay gagawin sa kanyang lu­gar dahil siya ay tubong Davao Del Sur.

Katuwang ni Piñol sa paglatag sa fight card na ito ang Sonshine Media Network International sa pangu­nguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Pinangungunahan din ng pastor ang pagpapatayo ng King Dome sa Sasa, Davao City na ayon kay Piñol ay isang 70,000-seater cathedral.

vuukle comment

ALJOE JARO

BRIGO SANDIG

CUELLO

DAVAO CITY

DAVAO CITY RECREATIONAL CENTER

LORETO

SHY

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with