Tatagal ang pilian sa PBA D-League Rookie draft ngayon
MANILA, Philippines – Hindi malayong tumagal ang pilian ng mga bagong player sa hanay ng 12 koponan na maglalaro sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa susunod na buwan.
Sa ganap na alauna ng hapon sa PBA office sa Libis, Quezon City gagawin ang 2014 Rookie Draft at tiyak na marami ang mapipili dahil sa lalim ng talento ng mga manlalarong nagpatala para sa unang aktibidad ng PBA D-League.
“Majority of the aspirants are good enough to be starters. So I am convinced that we will have a level playing field when the Aspirants’ Cup begins next month,” wika ni league commissioner Chito Salud.
Unang pipili ang Cagayan Valley Rising Suns matapos magkaroon ng pinakamasamang pagtatapos sa dalawang conferences na pinaglabanan noong nakaraang season.
Anim na iba pang re-gular teams ang nabigyan na ng rankings sa pagpili ng bagong manlalaro at ang Tanduay Light (da-ting Boracay Rhum) ang pangalawang pipili bago sundan ng Café France, Cebuana Lhuillier, Jumbo Plastic, MJM M-Builders at Wangs Basketball.
Limang baguhan na AMA University, Bread Story, Hapee Toothpaste, MP Hotel at Racal Motorsales Corp. ang sasai-lalim muna sa lottery para malaman ang sunud-sunod na pipili.
Ipinalalagay na kukunin ng Cagayan ang 6’7” Fil-Tongan center na si Moala Tuatuaa bilang top pick dahil makakatulong ito para lumakas ang puwersa nila sa ilalim.
Ang iba pang puwedeng makuha sa first round ay sina 6’9” Arnold Van Opstal, 6’6” Fil-Canadian center Norbert Torres, 6’2” University of Minnesota graduate Maverick Ahanmisi, 6’0” shooter Almond Vosotros, San Sebastian forward 6’4” Bradwyn Guinto at UE guard Roi Sumang.
Balak ni Tanduay Light coach Lawrence Chongson na kunin si Sumang bilang second pick dahil alam na niya ang kakayahan nito na makakatulong sa kanila matapos hawakan ang player noong nasa UE pa siya. (AT)
- Latest