Mayweather nagpasaring
MANILA, Philippines – Ang magandang ipinakita ni Floyd Mayweather Jr. laban kay Marcos Maidana na kanyang tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision kahapon ang tila nagbigay ng dagdag lakas ng loob para sagutin niya ang posibilidad na laba-nan na ang Pambansang kamao Manny Pacquiao.
“If Pacquiao fight pre-sent itself, let’s make it happen,” wika ni Mayweather.
Hinarap ni Mayweather si Maidana sa rematch sa MGM Grand Arena sa Las Vegas at ‘di tulad sa unang pagtutuos noong Mayo, kontrolado ng pound-for-pound king ang laban mula round one tungo sa 116-111, 116-111, 115-112 tagumpay kontra sa Argentenian challenger.
Ang unang laban ay nauwi sa majority decision para kay Maywea-ther dahil napahirapan siya ni Maidana sa mga unang rounds.
Binanggit pa ni Mayweather (47-0) na sa Mayo na ang sunod niyang pagsampa ng ring at pupulungin niya ang kanyang management para malaman kung sino ang kanyang sunod na makakaharap.
Magdedepensa si Pacquiao ng kanyang WBO welterweight crown laban sa wala pang talong si Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China at pinayuhan pa siya ni Mayweather na ituon muna ang isip sa nasabing laban.
“Manny Pacquiao needs to focus on the guy in front of him. Once he gets past him, we’ll see what the future holds,” dagdag ng 37-anyos na si Mayweather.
Ito ang unang pagkakataon na mismong si Mayweather ang nagbukas ng ideya na paglabanin na sila ni Pacquiao.
Dati ay panay ang iwas niya sa usaping ito at pinabubulaanan na may mga negosasyon na para matuloy ang mega-fight. Ang pag-iwas ay tila dahil na rin sa marami ang nagsasabing matatalo siya ni Pacquiao dahil pababa na ang kanyang boxing career.
Ngunit pinatunayan niya na mali ang haka-haka sa kanyang abilidad dahil naipakita niya na naroroon pa rin ang kanyang bilis, lakas at galing sa pagpapatama ng malalakas na suntok kaya’t hindi nakaporma si Maidana.
Kumita si Maywea-ther ng hindi bababa sa $32 milyon (halos P1.3 bil-yon) habang si Maidana ay may $3 milyon (halos P126 milyon). (AT)
- Latest