5-player, 3-team trade naiselyo
MANILA, Philippines - Isang five-player, three-team trade sangkot ang Meralco at mga baguhang NLEX at Blackwater Sports ang naghihintay ng pag-apruba ni PBA Commissioner Chito Salud.
Sa naturang kasunduan, ibibigay ng Road Warriors, bumili sa prangkisa ng Air21 Express, sina Fil-Am small forward Sean Anthony at guard Simon Atkins sa Elite.
Ang kapalit nina Anthony at Atkins ay si Perpetual Help guard Juneric Baloria at ang second round picks ng Blackwater Sports para sa 2016 at 2017 PBA Rookie Draft.
Ngunit hindi pa sa Elite titigil sina Anthony at Atkins.
Dadalhin ng Dioceldo Sy-owned franchise sina Anthony at Atkins sa Meralco kapalit nina ve-teran gunner Sunday Salvacion at 6-foot-8 Jason Ballesteros.
Ang 6’4 na si Anthony ay naglaro sa Talk ‘N Text bago dinala sa Air21 kapalit ni Niño Canaleta sa ilalim ng isang ‘gentleman’s agreement’ kung saan ibabalik si Anthony sa kampo ng PLDT sakaling maibenta ang prangkisa ng Express.
Ang 28-anyos na si Anthony ang No. 6 overall pick ng Air21 noong 2010 at kaagad ibinigay sa Powerade sa gabi ng nasabing PBA Draft.
Mula sa Powerade ay nailipat si Anthony sa Barako Bull Energy at sa Tropang Texters.
Samantala, nasa pro-seso ang NLEX at Blackwater ng pagpapalakas ng kanilang lineups para sa PBA Season 40.
Pormal na ookupahan ni Boyet Fernandez ang head-coaching position sa panig ng NLEX sa pagtatapos ng kasalukuyang NCAA season habang si Coach Leo Isaac ay mapupunta sa Blackwater.
- Latest