^

PM Sports

NCAA-PC Accel Quantum/3XVI Player of the Week

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa pagpasok ng mahalagang ikalawang yugto, walang ibang dapat na sandalan ang isang koponan kungdi ang kanilang mga beterano.

Ito ang ginagawa ni Michael Mabulac kaya’t ang host Jose Rizal University Heavy Bombers ay nakasalo na sa ikalawang puwesto sa Arellano Chiefs sa 9-4 baraha.

Dalawang panalo ang pinangunahan ni Mabulac para sa Heavy Bombers sa nagdaang linggo para ibigay sa kanya ang  NCAA Press Corps ACCEL Quantum-3XVI Player of the Week.

“Medyo natagalan bago naipakita ni Michael ang kanyang pagiging beterano. Ngayong nakuha niya ang dating laro, naniniwala akong makakasabay kami sa ibang kalaban,” wika ni JRU coach Vergel Meneses.

Ang 6’4” center ay naghatid ng 17 puntos at 9 rebounds averages sa nakuhang panalo laban sa Lyceum Pirates (67-43) at sa Perpetual Help Altas (80-76 sa overtime).

Ang huling panalo ang nakatulong para maging palaban pa ang Heavy Bombers sa mahalagang twice-to-beat incentives na ibibigay sa dalawang ma-ngungunang koponan matapos ang eliminasyon.

Tinalo ni Mabulac  para sa citation sina Paolo Taha at Mark Romero ng Blazers.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LYCEUM PIRATES

MABULAC

MARK ROMERO

MICHAEL MABULAC

PAOLO TAHA

PERPETUAL HELP ALTAS

PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with