^

PM Sports

UST kampeon sa women’s beach volley; NU hari ng badminton

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nakopo ng University of Santo Tomas ang kanilang ikatlong sunod na titulo sa women’s beach volleyball competition habang sinelyuhan ng National University ang pagdodomina sa men’s badminton sa pagkopo ng titulo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 77.

Bumawi ang UST Tigresses sa mahinang simula upang igupo ang De La Salle, 21-15, 21-11 kahapon sa UE Caloocan sand court.

Nagtala naman ang NU Bulldogs ng 3-0 decision kontra sa DLSU Archers  sa Rizal Memorial Badminton Hall  para sa kanilang ikalawang titulo sa  tatlong seasons.

Nalubog ang Tigresses sa 0-4 sa opening set ngunit nakabawi sila sa  tulong ng mga baguhang sina Cherry Rondina at Rica Rivera sa pamamagitan ng kanilang mga solid attacks sa net at impresibong depensa para maagaw ang kalamangan.

Ang service Ace ni Rondina ang nagbigay sa UST ng 16-6 kalamangan sa second set tungo sa tagumpay ng Tigresses.

Pinangunahan naman ni Joper Escueta, kumopo ng kanyang ikalawang MVP award, ang pananalasa ng Bulldogs matapos ang 21-11, 21-11 panalo kay EJ Boac  sa opening singles, na sinundan ng panalo ni Peter Magnaye kay John Kenneth Monterubio, 21-18, 21-17 sa second singles.

Matapos ito ay nagsanib puwersa sina Escueta at Magnaye para sa 21-8, 21-10 panalo kontra kina Carlos Cayanan at Gerald Sibayan sa first doubles na sumiguro ng tagumpay.

 

CARLOS CAYANAN

CHERRY RONDINA

DE LA SALLE

GERALD SIBAYAN

JOHN KENNETH MONTERUBIO

JOPER ESCUETA

NATIONAL UNIVERSITY

PETER MAGNAYE

RICA RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with