Phl may kinatawan pa sa World Cup
MADRID – Laglag na ang Gilas Pilipinas sa kontensyon ngunit may kinatawan pa ang bansa sa 2014 FIBA World Cup.
Ito ay sa katauhan ni Ferdinand “Bong” Pascual na napasama sa listahan ng mga referees na namamahala sa knockout games ng world meet dito at sa Barcelona.
Si Pascual, tubong Nueva Ecija at ngayon ay nakabase sa Valenzuela, ay ang tanging Asian referee na nangangasiwa sa mga laro.
Ang 38-man officiating roster ay naging 20 at hinati sa dalawang grupo.
Ang Group A ay nasa Madrid at ang Group B ay nasa Barcelona.
Mula sa Bilbao kung saan siya namahala sa mga laro ng USA, Turkey, Ukraine, New Zealand, Dominican Republic at Finland sa Group C ay lumipat si Pascual sa Barcelona para makasama ang mga referees mula sa US, Argentina, Latvia, Serbia, Brazil, France, Greece, Spain at Angola.
Ang mga mamamahala sa Madrid ay ang mga referees buhat sa US, Mexico, Ukraine, Italy, Croatia, Canada, Puerto Rico, Slovenia at Germany at Australia.
- Latest