^

PM Sports

Send-off para sa mga atleta

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Magtitipun-tipon nga­yong hapon ang pambansang mga atleta kasama ang mga sports at go­vern­ment officials para sa isang simpleng send-off ce­remony sa Philsports Arena sa Pasig City.

May 150 atleta at 55 officials para sa kabu­uang 205 delegasyon ang siyang magdadala ng laban ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea na gagawin sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Sina PSC chairman Ri­cardo Garcia at POC pre­sident Jose Cojuangco Jr. ang siyang mangunguna sa kanilang hanay, habang si Jose Rene Almendras na Secretary to the Ca­binet of the Philippines ang siyang magbabasa sa men­saheng nais iparating ni Pangulong Benigno Aqui­no III.

Bago ito ay isang misa muna ang isasagawa sa ganap na alas-5 ng hapon.

Asam ng pambansang delegasyon na mapanta­yan kundi man ay mahi­gitan ang tatlong gold, apat na silver at siyam na bronze medals na naiuwi mula sa Guangzhou, China noong 2010.

“Lahat ng dapat na ga­win ay ginagawa natin. Ang mga equipment, trai­ning at iba pang kaila­ngan ng mga atleta ay ibi­nibi­gay natin,” wika ni Gar­cia.

Kasama rin sa dadalo para magbigay ng inspi­ras­yon si Luis Gabriel Mo­­reno na nanalo ng ginto sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Mixed International event kasama si Chinese la­­dy archer Li Jiaman.

Inaasahan ding ibi­bi­gay ang insentibo para kay Moreno.

Ang ginto ay nagkakahalaga ng P1 milyon, ang pilak ay P500,000.00 at ang bronze ay tutumbasan ng P100,000.00.

 

vuukle comment

ASIAN GAMES

JOSE COJUANGCO JR.

JOSE RENE ALMENDRAS

LI JIAMAN

LUIS GABRIEL MO

MIXED INTERNATIONAL

PANGULONG BENIGNO AQUI

PASIG CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with