^

PM Sports

9 Teams pasok sa next round

Pang-masa

SEVILLE, Spain -- Si­yam na koponan ang na­kasikwat ng tiket para sa Round of 16 ng 2014 FIBA Basketball World Cup.

At ilan pa ang magta­tangkang makasama sila sa Group Phase.

Ang mga nakapasok sa Round of 16 ay ang nag­dedepensang United States, tournament host Spain, Argentina, Australia, Brazil, Greece, Lithuania, Senegal at Slovenia.

Ang mga laro ay idaraos sa Barcelona at Madrid.

Pinalakas ng Iran ang kanilang tsansa sa Group A mula sa 88-73 panalo la­ban sa Egypt  sa labanan ng mga koponang wala pang panalo.

Sinelyuhan ng Brazil ang kanilang puwesto sa Round of 16 matapos ku­nin ang 81-73 tagumpay la­ban sa Serbia, habang gi­niba ng Spain ang France, 88-64.

Sa Group B, maglala­ro ang Argentina sa Mad­rid sa Round of 16 matapos ang 81-46 paggupo sa Se­negal.

Inilista ng Greece ang kanilang ikaapat na pana­lo matapos ang 76-65 pananaig sa Croatia.

Sa Group C, ginulat ng New Zealand ang Ukraine, 73-61, at dinaig ng Turkey ang Finland sa overtime, 77-73.

 

vuukle comment

BASKETBALL WORLD CUP

CROATIA

GROUP A

GROUP PHASE

NEW ZEALAND

SA GROUP B

SA GROUP C

SHY

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with