Alapag hahanap-hanapin
SEVILLE, Spain – Tiyak na hahanap-hanapin ni point guard LA Tenorio si Jimmy Alapag sa sandaling umalis na ito sa Gilas Pilipinas.
Matapos ang FIBA World Cup ay magreretiro na ang 36-anyos na si Alapag sa Gilas Pilipinas.
“We will miss Jimmy. Gilas still needs him,” sabi ni Tenorio ukol sa kanilang kampanya sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea kung saan hindi na nila makakasama si Alapag.
“He’s our team captain and his leadership is of different kind. We will miss that,” dagdag pa nito.
Sa pagkawala ni Alapag sa Gilas ay iniisip ng Ginebra playmaker na magiging iba na silang koponan sa Incheon Asiad.
Ang papalit kay Alapag sa koponan para sa Incheon Games ay si 6-foot-4 guard/forward Jared Dillinger.
Kung si Alapag ay isang legitimate point guard na nakapaglaro ng dalawang beses sa FIBA Asia Championship at isa sa Asian Games, si Dillinger ay isang wing defender na nagbabalik sa Gilas matapos mapasama sa FIBA Asia Cup sa Tokyo, Japan at sa Wuhan, China.
“Jimmy will be a big loss especially as Paul Lee doesn’t want to play the point in Gilas. I don’t know why. He wants to play the two-spot,” wika ni Tenorio.
“Sabi n’ya kaya naman daw n’ya as he’s proven in the Asia Cup. Sabi ko brod, iba na dito at sa FIBA Asia Championship,” sabi pa ni Tenorio.
Si Gilas coach Chot Reyes pa rin ang magdedesisyon para sa bawat papel ng mga players. (NB)
- Latest