^

PM Sports

Arellano muling sasalo sa liderato kontra Perpetual

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi garantiya ang pagkakapuwesto sa itaas para ma­katiyak ng silya sa Final Four sa 90th NCAA men’s basketball tournament.

Ito ang nais na itanim ni Jerry Codiñera sa isipan ng mga Arellano Chiefs na sa kasalukuyan ay nasa ikalawang puwesto bitbit ang pinakamagandang pani­mula sapul nang sumali sa liga na 9-2 karta.

“Lahat ng games dito ay mahigpitang pinaglalaba­nan at hindi puwedeng may kumpiyansa ka na papasok sa laro. Dapat ay laging handa,” wika ni Codiñera.

Susubukan ng koponan na masilo ang ika-limang sunod na panalo sa pagsukat muli sa Perpetual Help Altas sa unang laro ngayong alas-2 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Tinalo ng Chiefs ang Altas sa unang pagkikita 97-85, at may pag-aalala si Codiñera na baka pumasok ang bataan na tiwalang makukuha agad ang panalo.

Ito ang nakita sa koponan sa huling laro kontra sa Mapua Cardinals na kanilang tinalo sa tatlong puntos la­mang, 82-79.

Nananalig ang bagitong coach na lalabas agad ang galing nina Jiovani Jalalon, John Pinto, Keith Ago­vida at Dioncee Holts dahil pupukpok ang Altas para ma­kuha ang panalo at manatiling hawak ang ikatlong puwesto sa liga.

May 7-4 baraha ang Perpetual at kasalo ang host Jose Rizal University Heavy Bombers na makikipagtu­os sa Lyceum Pirates sa ikalawang laro sa alas-4 ng ha­pon.

Galing naman sa 73-54 tagumpay ang Bombers sa Emilio Aguinaldo College Generals at magandang mo­mentum ito sa pagharap sa Pirates na tinalo sila sa overtime, 80-84.

Si Philip Paniamogan na may misyon matapos hin­di napili sa PBA Rookie Draft, ay makikipagtulu­ngan muli kina Michael Mabulac at Bernabe Teodoro para ma­natiling nakapasok ang JRU  sa unang apat na pu­wes­to sa standings.

 

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

BERNABE TEODORO

CODI

DIONCEE HOLTS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with