Archers sumosyo sa No. 2 spot
MANILA, Philippines - Humakot si import Charles Mammie ng season-high na 22 points at 10 rebounds para palakasin ang laban ng host UE Red Warriors sa puwesto sa Final Four mula sa 64-55 panalo sa National University Bulldogs sa 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bago ang larong ito ay naghahatid lamang ang 6-foot-8 center ng 10 points at 9.9 rebounds average at ang pag-step up niya ang nagsantabi para hindi maramdaman ang hindi paglalaro ni Roi Sumang na binigyan ng disciplinary action matapos ang di pagsipot sa practice game.
Isang 9-0 bomba ang ginawa ng Bulldogs sa pagsisimula ng huling yugto para makadikit sa 39-38, pero sina Gino Jumao-as at Ronnie de Leon ay tumira ng tig-isang triple, habang si Mammie ay may anim na puntos para ibalik ang 11 puntos kalamangan, 59-48, at iakyat ang baraha sa 6-5.
Pinangatawanan naman ng nagdedepensang La Salle ang estado sa 66-57 panalo sa Adamson para saluhan ang karibal na Ateneo.
Sina Jason Perkins, Jeron Teng at Almond Vosotros ay nagsanib sa 43 puntos para sa panalo ng Green Archers.
- Latest