Phl paddlers kumuha ng 1 gold, 3 silvers
MANILA, Philippines - Nagsagwan ng isang gold at tatlong silver medals ang Team Philippines sa 500-meter distances races ng ICF Dragon Boat World Championships sa Poznan, Poland.
Nagsumite ang mga Pinoy paddlers ng bilis na 2:16.70 sa 10-seater juniors event para talunin ang Russia (2:19.28) at Canada (2:22.68).
Rumesbak naman ang mga Russians sa pagkopo sa 10-seater seniors men’s, 20-seater men’s at sa 10-seater seniors mixed events.
Ang koponan ay binubuo nina team leader Teresita Uy, Angela Chiva Abanilla, John Carlo Asenci, Leo Bumagat, Norwell Cajes, Fernan Dungan, Rosalyn Esguerra, Franc Feliciano, Mark Jhon Frias, Ojay at Dany Fuentes, Edward Galang, Alex at Alvin Generalo, Rea Glore, Oliver Manaig, Maria Escuella Manatad, Kevin Mendoza, Reymart Nevado, John James Pelagio, John Paul Selencio, Jerome Solis, Jairus Molina, Daniel Ortega, Katsumi Tanaka, Hermie Macaranas at Jonathan Ruz.
- Latest