^

PM Sports

Batang Gilas nakuntento sa 5th place

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagtapos bilang fifth place ang Batang Gilas sa FIBA-Asia Under-18 Championship matapos igupo ang Japan, 113-105 sa  overtime na nagpaligaya sa mga Pinoy na dumayo sa Al Gharafa Gym sa Doha, Qatar nitong Huwebes ng gabi

Nagpakawala sina Kobe Paras, anak ng dating PBA rookie MVP na si Benjie, at Jose Go IV ng 27 at 24 points habang si Mark Anthony Dyke, Andres Paul Desiderio at Ranbill Tongco ay nagsumite ng 18, 17 at 14, ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Batang Gilas, na sinuportahan ang biyahe sa Doha ng MVP Sports Foundation at Smart.

Ang defensive rebound ni Paras sa huling walong segundo ang nagresulta sa krusyal na 3-pointer ni Ranbill Tongco sa kabilang dulo ng court para magtabla ang dalawang koponan sa regulation, 93-all.

Hindi na binitiwan pa ng pambansang koponan ang momentum at si Paras ay may anim na puntos pa habang sina Jollo Go, Dave Yu at Tongco ay naghatid pa ng tig-isang tres para iwanan ang Japan.

May tatlong blocks pa ang off-the-bench na si Paras habang kumamada naman ng  limang 3-pointers ang starter na si Go.

Ang ikalimang puwestong pagtatapos ay mas mataas kumpara sa pang-anim na kinalugaran ng koponang naglaro noong 2012 sa Ulan Bator, Mongolia.

Nagtagumpay naman ang two-time defending champion China na mapalawig ang pangunguna sa kompetisyon nang hiyain ang Iran, 66-48.

Ito ang ika-11 titulo ng China sa kompetisyon at hindi sila natalo sa siyam na laro.

Ang South Korea ang kumuha sa ikatlong puwesto sa 70-58 pangingi-babaw sa Chinese Taipei.

 

vuukle comment

AL GHARAFA GYM

ANDRES PAUL DESIDERIO

ANG SOUTH KOREA

ASIA UNDER

BATANG GILAS

CHINESE TAIPEI

DAVE YU

DOHA

JOLLO GO

RANBILL TONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with