^

PM Sports

PSC sisiguraduhing mabibigyan si Moreno

Pang-masa

SHANGHAI – Titiyakin ng Philippine Sports Commission na may pabuya si archer Luis Gabriel Moreno sa kanyang golden performance sa 2nd Youth Olympic Games.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na bagama’t hindi sakop ang YOG ng Republic Act 9064 na kilala rin bilang Incentives Act, nararapat lamang na may makuha ang 16-anyos na archer, malaki man o maliit na halaga.

“By law, the YOG is not covered but it is part of the amendments of the new Incentives Act which is pending in Congress,” sabi ng PSC chief.   “The PSC can give but it will not be a big amount.”

Hindi pa natutukoy kung magkano ang makukuha ni Moreno, ang unang Pinoy na nakakuha ng medal sa YOG ngunit ayon kay Garcia na nakabalik na ng Manila matapos manood ng kampanya ng pitong Pinoy Athletes sa Nanjing, magbibigay siya ng angkop na presentation.

Tulad ng nakaugalian, magko-courtesy call si Moreno kay Presidente Aquino  kung saan bibigyan siya ng reward matapos magbigay ng karangalan sa bansa.

Nanalo si Moreno, flag-bearer ng maliit na Philippine contingent dito, sa mixed team  ng archery kasama ang kanyang babaeng Chinese partner  na si Li Jiaman.

Nanalo si Moreno sa huling araw ng kampanya ng mga Pinoy matapos matalo ang mga lahok sa triathlon, swimming, shooting, track and field at gymnastics.

Sa ilalim ng Incentives Act, ang gold medal  sa Olympics ay may insentibong P5 million, P2.5 million para sa silver medal at P1 million sa bronze.

Sa World Championships, ang gold ay P2.5 million, sa Asian Games P1 million at sa SEA Games  ay P100,000.

vuukle comment

ASIAN GAMES

CHAIRMAN RICHIE GARCIA

INCENTIVES ACT

LI JIAMAN

LUIS GABRIEL MORENO

MORENO

NANALO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with