^

PM Sports

Maglinao, Raterta nagwagi sa Naga leg ng MILO Marathon

Pang-masa

NAGA CITY, Philippines - Pinangunahan nina Mario Mag­linao at Luisa Raterta ang kanilang mga dibisyon sa 21-kilometer event ng 38th National MILO Marathon Eli­minations sa Naga City.

Ibinulsa nina Maglinao at Raterta ang premyong P10,000 at tiket para sa 2014 National Finals.

Kabuuang 68 runners ang tatakbo sa National Finals na nakatakda sa Disyembre 7 at makakasama sina Maglinao at Raterta.

Ang mananalong MILO Marathon King at Queen ang ipapadala ng MILO sa Japan para sa 2015 Tokyo Ma­rathon.

Nagposte ang 26-anyos na si Maglinao ng oras na 01:12:47 para talunin sina Martin Balaybo (01:13:33) at Eugin Postrado (01:16:43).

Ang tubong Legazpi City, Albay at kasalukuyang nag­tatrabaho sa Manila ay walang formal training.

Nagtala naman ng bilis na 01:32:10 ang 33-anyos na si Raterta para sikwatin ang titulo sa women’s division.

Inungusan niya sina Janette Agura (01:37:41) at Ma­rilyn Bermundo (01:40:59).

Nagreyna ang tubong Laguna na si Raterta sa Ma­ni­la leg.

Sumegunda naman siya sa National Finals ng 37th National MILO Marathon noong nakaraang taon.

vuukle comment

EUGIN POSTRADO

JANETTE AGURA

LEGAZPI CITY

LUISA RATERTA

MAGLINAO

MARATHON ELI

MARATHON KING

NATIONAL FINALS

RATERTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with