^

PM Sports

Moreno, Gotuaco nabigo sa archery sa Youth Olympics

Abac Cordero - Pang-masa

NANJING – Nakalasap ng kabiguan ang Pilipinas sa recurve archery sa 2nd Youth Olympic Games.

Unang natalo si Gabriel Luis Moreno sa Fangshan Archery Field matapos yumukod kay Brazilian Marcus D’Almeida sa kanilang round-of-32 knockout eliminatons.

Sumunod naman si Bianca Roxas-Chua Gotuaco na nabigo kay Miasa Koike ng Japan.

Si Moreno ay umupo sa No. 30 matapos tumudla ng 605 points sa opening rounds para makatapat ang No. 3 archer ng Brazil na nagsumite ng 683.

Sa kanilang Olympic round matchup, natalo si Mo­reno, 29-22, 30-26, 28-27 (87-75).

Base sa puntos, nanalo ang Brazilian, 6-0.

Nakatama si D’Almeida ng anim na 10s at Xs (bullseye) kumpara sa dalawa ni Moreno para umabante sa round-of-16 matches sa Lunes.

Positibo naman ang naging pananaw ni Moreno pa­ra sa kanyang paglahok sa mixed-team competitions katambal si Li Jiaman ng China.

Maganda naman ang inilaro ni Gotuaco sa ran­kings noong Biyernes kung saan siya nagpakawala ng 642 points para pumuwesto sa No. 11 sa hanay ng 32 entries.

Ang Japanese ay nagtala naman ng 618 para umupo sa No. 22.

ALMEIDA

ANG JAPANESE

BIANCA ROXAS-CHUA GOTUACO

BRAZILIAN MARCUS D

FANGSHAN ARCHERY FIELD

GABRIEL LUIS MORENO

LI JIAMAN

MIASA KOIKE

MORENO

SI MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with