^

PM Sports

Gotuaco pumuwesto sa No. 11 sa women’s individual recurve

Abac Cordero - Pang-masa

NANJING – Pumu­wes­to si archer Bianca Ro­xas-Chua Gotuaco sa No. 11 sa ranking round ng women’s individual re­curve sa Fangshan Arche­ry Field dito.

Nakatipon ang 17-an­yos na si Gotuaco ng 642 points mula sa 72 arrows at umupo sa No. 11 sa ha­nay ng kabuuang 32 female archers.

Naglista si Gotuaco, es­­tudyante sa Internatio­nal School Manila, ng 322 points sa first half at 320 sa final half.

Natudla niya ang X ring (bullseye) ng 10 beses at ang inner 10 ring ng 25 ulit.

Nauna nang sumikwat si Gotuaco ng gold medal sa isang Ohio competition at tinulungan ang Pilipinas na ungusan ang Mexico sa labanan para sa bronze me­dal sa Seoul Internatio­nal Archery Fiesta.

Si Gyeong Lee Eun ng Korea ang bumandera sa rankings sa kanyang 681 points kasunod sina Dia­nanda Choirunisa (673) ng Indonesia at Jiaman Li (669) ng China.

Magbabalik si Gotua­co ngayon hapon para sa Olympic round o sa knockout stage kung saan ni­ya makakalaban si No. 22 Miasa Koike ng Japan (618 points).

Minalas naman si Gab­riel Luis Moreno sa kan­yang 605 points para sa No. 30 sa hanay ng 32 male archers.

Naging maganda ang si­mula ni Moreno, ang Phi­lippine flag-bearer sa ope­ner, sa kanyang 325 ba­go bumaba sa 280 sa fi­nal half matapos ang isang re­cess.

Sa Olympic round ay la­labanan naman ni Mo­reno ang third-ranked na si Marcus D’Almeida ng Brazil (683).

ARCHERY FIESTA

BIANCA RO

CHUA GOTUACO

FANGSHAN ARCHE

GOTUACO

JIAMAN LI

LUIS MORENO

MARCUS D

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with