^

PM Sports

Gilas Pilipinas No. 20 sa FIBA World Cup

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Lithuania, Spain at United States ang na­ngi­ngibabaw, habang nasa No. 20 naman ang Gilas Pilipinas sa Power Ladder na inilabas ng FIBA si­yam na araw bago ang 2014 FIBA World Cup sa anim na siyudad sa Spain.

Sa hanay ng mga Group B teams, ang Pili­pi­nas ay No. 4 at nasa iba­baw ng Croatia at Senegal base sa resulta ng mga la­ro simula noong Mayo 29 para sa world meet.

Ang Nationals ay No. 20 sa kanilang 5-6 win-loss record, kasama ri­to ang kanilang second-place finish sa FIBA-Asia Cup sa Wuhan, China at ang kanilang five-game lo­­­sing slump sa Antibes, France at sa San Sebastian, Spain.

Bumandera ang Puer­to Rico sa mga Group B teams sa kanilang 5-3 slate kasunod ang Greece (4-3) at Argentina (3-3).

Ang Croatia ay may 1-3 mark kasunod ang Se­negal (0-1).

Hindi naman kasama ang mga scrimmages ng Gilas Pilipinas sa Miami at Vitoria.

Nagposte ang Lithuania ng perpektong 10-0 baraha kasunod ang Spain (6-0), US (2-0), Dominican Republic (6-2), Serbia (5-2), Mexico (6-3), Slo­ve­nia (4-2) at New Zealand (7-4).

Nalasap ng Nationals ang kanilang ika­-limang su­nod na kamalasan mula sa 74-83 pagyukod sa Angola sa San Sebastian.

Humakot si 6-foot-11 natura­lized player Andray Blatche ng 33 points at 17 rebounds para sa panig ng Gilas Pilipinas.

ANDRAY BLATCHE

ANG CROATIA

ANG LITHUANIA

ANG NATIONALS

ASIA CUP

GILAS PILIPINAS

GROUP B

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with