^

PM Sports

Knights angat sa bombers St. Benilde Blazers niresbakan naman ang Generals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tunay na tumaas na ang kumpiyansa ng Letran nang kalusin ang Jo­se Rizal University, 84-77, sa overtime para sa ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Mark Cruz ay may 26 puntos, 5 steals at 2 assists at 10 puntos ang kanyang inihatid sa extention para masundan  ng Knights ang 64-53 pana­naig sa four-time defen­ding champions na San Be­da Red Lions sa pagta­tapos ng first round.

Magkasunod na three-pointers ang pinakawalan ni Cruz para itulak ang Knights sa 78-70 kalama­ngan.

Nakalapit sa tatlo ang Heavy Bombers, 75-78, pe­ro tinapos ni Cruz ang labanan sa apat na magka­kadikit na free throws upang ibigay sa tropa ni coach Caloy Garcia ang kanyang kauna-unahang back-to-back wins sa season tungo sa 4-6 baraha.

Si Philip Paniamogan ay may 26 puntos pero nag­karoon siya ng cramps para magtala na lamang ng dalawang puntos sa huling yugto at overtime at makitang maputol ang ka­nilang four-game winning streak.

May 6-4 karta ngayon ang Jose Rizal at sinaluhan sila sa ikatlong puwes­to ng St. Benilde matapos ang 83-76 tagumpay sa Emi­lio Aguinaldo College sa ikalawang laro.

Sina Paolo Taha, Jonathan Grey at Mark Romero ay gumawa ng 24, 14 at 10 puntos para panguna­hang muli ang Blazers at maipaghiganti ang 72-81 pagkatalo sa Generals sa unang pagkikita. (ATan)

Letran 84 - Cruz 26, Nam­batac 21, Tambeling 12, Quinto 8, Racal 7, Gaba­wan 5, Saldua 3, Ruaya 2, Luib 0, Dela Peña 0, Si­ngontiko 0, Publico 0.

Jose Rizal 77 - Paniamo­gan 26, Abdul Wahab 13, Ma­bulac 10, Lasquety 8, San­chez 6, Teodoro 5, Asuncion 4, Grospe 3, Benavides 2, Balagtas 0.

Quarterscores: 9-14; 34-33; 58-57; 70-70; 84-77 (OT).

St. Benilde 83 - Taha 24, Grey 14, Romero 10, Ongte­co 9, Bartolo 7, Jonson 6, Mercado 3, Nayve 2, Pajarilla 2, Saavedra 2, Deles 2, Sinco 1, Altamirano 1.

EAC 76- Onwubere 19, Aguilar 17, Tayongtong 15, Jamon 11, Serrano 9, Arquero 5, Santos 0, Mejos 0, Saludo 0, Pascual 0.

Quarterscores: 16-16; 39-35; 63-55; 83-76.

ABDUL WAHAB

AGUINALDO COLLEGE

CALOY GARCIA

CRUZ

DELA PE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with