Youth Olympic Games Inalat si shooter Arellano
NANJING – Hindi maganda ang ipinakita ni shooter Celdon Jude Arellano para magtapos sa 14th place sa men’s 10-meter air rifle event ng 2014 Youth Olympic Games.
Nagpaputok si Arellano ng 605.0 total matapos ang six strings na 10 shots. Nagtala siya ng 96.5, 102.2, 99.9, 102.7, 103.0 at 100.7 sa bawat string sa air-conditioned Fangshan Shooting Hall dito.
Tumapos ang 16-anyos na Pinoy na katabla si Nurullah Aksoy ng Turkey 605.0 ngunit angat siya sa tiebreak.
Ang top 20 youth shooters mula sa buong mundo ang nag-qualify para sa 10-meter air .
“Medyo masama,” sabi ng Filipino shooter matapos ang qualification round. “Kulang siguro sa workout. Kulang sa conditioning. Sa shooting kasi, pag kinabahan ka, manginginig ang hita mo.”
Nauna nang natapos ang laban nina triathlete Vicky Deldio at swimmer Roxanne Yu.
Nakatakda namang lumaban si gymnast Ava Lorein Verdeflor sa all-around and uneven bar finals kagabi gayundin si track bet Zion Rose Nelson sa qualifying heats ng women’s 400 meters.
Dalawa pang Pinoy na sina archers Bianca Ro-xas-Chua Gotuaco at Gabriel Luis Moreno, ang may laban para sa Phl Team.
Pareho silang nakatakdang sumalang bukas sa Fangshan archery range.
- Latest