^

PM Sports

Youth Olympic Games, Gymnasts Verdeflor sasalang

Pang-masa

NANJING - Sasalang uli si  gymnast Ava Lorein Verdeflor para sa Team Philippines sa 2nd Youth Olympic Games dito.

Si Verdeflor ay pumasok sa finals ng wo-men’s all-around at uneven bars at maaaring magkaroon ng tsansa sa medal sa kompetisyong gagawin sa 13,000-seat Olympic Sports Center Gymnasium.

Sa qualifying noong Lunes, ang 15-anyos na si Verdeflor ay pumukaw ng pansin sa kanyang ipinakita sa uneven bars, balance beam, floor exercise at vault para sa kanyang 12th place overall sa all-around.

Si Verdeflor, nakatira sa Plano, Texas kasama ang kanyang mga magulang na Pinoy, ay  sixth sa uneven bars para makasama sa walong finalists.

Samantala, hindi na makapaghintay pa ang Filipino shooter na si Celdon Jude Arellano na paputukin ang kanyang mga baril sa aktuwal na kompetisyon.

Sasabak si Arellano  sa qualifications ng men’s 10-meter air rifle sa Fangshan Shooting Hall.

Determinado siyang magpakita ng magandang performance sa kanyang  event dahil mapapalaban siya sa mga mahuhusay na shooters sa buong mundo. (AC)

vuukle comment

ARELLANO

AVA LOREIN VERDEFLOR

CELDON JUDE ARELLANO

DETERMINADO

FANGSHAN SHOOTING HALL

OLYMPIC SPORTS CENTER GYMNASIUM

PINOY

PLANO

SI VERDEFLOR

TEAM PHILIPPINES

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with