Batang Gilas lalaban na lang para sa 15th place sa U17
DUBAI -- Ang nakadidismayang kampanya ng Batang Gilas sa FIBA U17 World Championship ay hindi nangangahulugan na wala nang mapupuntahan ang RP Youth basketball.
“This is not yet the end. This is just the beginning for RP Youth basketball,” sabi ni head coach Jamike Jarin, ang Ateneo de Manila University mentor na iginiya ang Batang Gilas sa runner-up finish noong 2013 FIBA Asia U16 Championship sa Tehran.
“This is just the start of our campaign in the world stage,” dagdag pa nito.
Walang naipanalong laro ang Batang Gilas sa kanilang anim na asignatura.
Natalo ang koponan ng average margin na 26.1 points sa mga world superpowers kagaya ng nagdedepensang United States, France, Greece at Argentina.
Wawakasan nila ang kanilang kampanya sa pagharap sa United Arab Emirates.
Ang mananalo ang uupo sa 15th place sa naturang 16-nation field.
Laban sa Egypt, hindi naglaro si top gun Jolo Mendoza dahil sa isang pulled hamstring injury.
Umiskor sina Mike Nieto at Jollo Go ng 20 at 17 points, ayon sa pagkakasunod, sa kabiguan ng Batang Gilas sa Egyptians.
“Again, the game plan of all the teams is to pound it inside,” wika ni Jarin. “We missed the services of Jolo and we shot poorly tonight. But on a positive note, we got the chance to play against the powerhouses of the entire world.”
Nakatakdang magtungo ang coaching staff kasama sina Go, Richard Escoto at Paul Desiderio sa Doha, Qatar para samahan sina Kobe Paras at Aaron Black para sa FIBA Asia U18 Championship.
Egypt 92 -- Metwaly 24, Khalaf 19, Abdelrahman 18, Elsheikha 11, Safyeldin 7, Elsafwany 7, Farag 4, Hussein 2, Mohamed 0, Elmorsy 0, Bakr 0, Saadelin 0,
Philippines 67 -- Nieto Mike 20, Go 17, Desiderio 11, Escoto 6, Nieto Matt 3, Dario 2, Navarro 2, Panlilio 2, Dela Cruz 2, Abadeza 2, Padilla 0, Mendoza 0
Quarterscores: 32-19; 49-32; 66-46; 92-67.
- Latest