Slaughter, Sangalang ibinoto sa All-Rookie Team ng PBAPC
MANILA, Philippines - Sina Barangay Ginebra San Miguel center Greg Slaughter at San Mig Super Coffee forward Ian Sangalang ay ibinoto para sa All-Rookie Team na pararangalan sa PBA Press Corps (PBAPC) Annual Awards Night sa Agosto 21 sa Richmonde Hotel sa Eastwood City, Libis, Quezon City.
Nasa grupo rin sina Rain or Shine center Raymond Almazan, Globalport guard Terrence Romeo at San Mig Super Coffee spitfire Justin Melton.
Ang seven-foot na si Slaughter, ang No. 1 overall pick noong nakaraang Rookie Draft, ay ang starting center ng Gin Kings sa nakaraang season.
Kinilala siyang Rookie of the Year matapos magposte ng mga averages na 15 points, 10.5 rebounds at 1.40 shot blocks sa kanyang unang taon sa liga.
Naging susi naman si Sangalang sa Grand Slam ng Mixers matapos magbigay ng malaking produksyon ang dating San Sebastian star kay head coach Tim Cone.
Si Sangalang ang No. 2 overall pick noong 2013 Draft.
Kumolekta ang 6-foot-7 forward ng mga averages na 7.46 points at 4.79 rebounds per game sa kanyang rookie year.
Ang event ay suportado ng PBA, Alaska, Barangay Ginebra San Miguel, Barako Bull, Blackwater Sports, Globalport, Kia Motors, Meralco, NLEX, Rain or Shine, San Mig Super Coffee, San Miguel Beer at Talk ‘N Text.
Ang All-Rookie team ay isa lamang sa mga awards na ibibigay ng PBAPC sa mga taong nangibabaw noong 39th PBA season.
Ang iba pang awards na igagawad ay ang Coach of the Year, Executive of the Year, Mr. Quality Minutes, Comeback Player of the Year at ang Accel-Order of Merit na ibibigay sa palagiang naibobotong Player of the Week.
Si PBAPC president Barry Pascua ng Bandera ay sasamahan ng kanyang kapwa opisyales at mga miyembro sa event sa Richmonde Hotel Ballroom na magsisimula sa alas-6 ng gabi.
- Latest