^

PM Sports

Argentina pinawisan sa Batang Gilas

Pang-masa

DUBAI -- Nalampa-san ang hamon ng Batang Gilas sa fourth quarter, umiskor ang Argentina ng 84-71 panalo sa classification round ng FIBA U17 World Championship noong Huwebes ng gabi sa Al Shabab Arena.

Nagpaulan ang Batang Gilas ng 10 three-point shots sa second half para makadikit sa 71-78 sa huling minuto ng fourth quarter. Ngunit tumipa si power forward Jeffrey Merchant ng dalawang free throws kasunod ang ratsada ni Agustin Delfino para selyuhan ang panalo ng Argentina.

“You can see the fighting heart of these boys and you can never question that,’’ wika ni Batang Gilas coach Jamike Jarin.

Naglaro ang Batang Gilas nang wala ang kanilang reliable scorer na si Jolo Mendoza na may pulled hamstring injury.

Umiskor si Jollo Go ng anim sa kabuuang 13 tres ng Batang Gilas para tumapos na may 27 points.

Makakaharap ng mga Pinoy ang Egypt sa pagpapatuloy ng classification ranking.

Ang panalo laban sa Egyptians ang magtatakda sa laro ng Batang Gilas sa magwawagi sa pagitan ng Japan at UAE para sa ika-13 puwesto.

Umabante naman ang Argentinians sa labanan para sa ika-siyam hanggang ika-12 posisyon kontra sa Greece.

 

ARGENTINA 84 -- Mas Delfino 20, Carvalho 16, Merchant 14, Delfino 10, Zurbriggen 7, Fernandez 6, Aliende 3, Riego 2, Fjellerup 2, Gallardo 2, Borsatti 2, Onetto 0.

Philippines 71 -- Go 27, Dela Cruz 14, Mi. Nieto 11, Desiderio 10, Ma. Nieto 7, Navarro 2.

Quarterscores: 22-14, 35-27, 62-46, 84-71.

AGUSTIN DELFINO

AL SHABAB ARENA

BATANG GILAS

DELA CRUZ

JAMIKE JARIN

JEFFREY MERCHANT

JOLLO GO

JOLO MENDOZA

MAS DELFINO

NIETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with