^

PM Sports

Cousins nagka-injury din

Pang-masa

CHICAGO -- May nakatapal na malaking bag ng yelo si DeMarcus Cousins sa kanyang kanang paa habang pinapanood ang pagtatapos ng kanilang ensayo.

Saglit niyang tinakpan ng tuwalya ang kanyang mukha sa pag-asikaso sa kanya ng mga trainers malapit sa gym bleachers.

Nagkaroon ng injury si Cousins nang makabangga si Anthony Davis sa kanilang pag-uunahan sa loose ball sa kanilang scrimmage.

Sa isang MRI ay walang nakitang pinsala sa kanang tuhod ni Cousins at sinabi ng USA Basketball na araw-araw nilang oobserbahan ang Sacramento Kings star.

Ang positibong test result ni Cousins ay isang magandang balita para sa U.S. team na kasalukuyan pang bumabangon mula sa injury ni Paul George.

“He said he got a little scared, obviously, when you go down after we had that prior injury,’’ pahayag ni Jerry Colangelo, ang managing director ng USA Basketball.

Sumigaw si Cousins nang maramdaman ang pa-nanakit sa kanyang tuhod sa kanyang pagkakahiga sa sahig malapit sa free-throw line. Tinulungan siyang makabangon at dinala sa training table para sa natitirang una sa dalawang bahagi ng kanilang ensayo sa Chicago bago ang kanilang exhibition game laban sa Brazil sa United Center.

Naglakad na paika-ika si Cousins nang lumabas ang mga players ng court matapos ang kanilang practice.

Kumpiyansa si Cousins na makakapaglaro siya sa exhibition match ng Team USA laban sa Brazil na mapapanood din sa 2014 FIBA World Cup sa Spain na magsisimula sa Agosto 30.

AGOSTO

ANTHONY DAVIS

COUSINS

JERRY COLANGELO

KANILANG

KUMPIYANSA

PAUL GEORGE

SACRAMENTO KINGS

UNITED CENTER

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with