^

PM Sports

9-kabayo ang nominado sa 1st leg ng Philracom Juvenile Fillies at Colts race

Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na kabayo ang nominado para tumakbo sa 1st leg ng Philracom Juvenile Fillies at Colts race sa Agosto 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Noong Martes ang huling araw na itina­laga ng Philippine Ra­cing Commission para sa nominasyon ng mga kabayong nais isali sa karerang katatampukan ng mga edad dala­wang taong gulang na mga kabayo na magsusukatan sa 1,000-metro distansya.

Ang mga palaban ay ang Cats Express, Cook A  Doodle Doo, Hook Shot, Jazz Asia, Karangalan, Leona Lolita, Princess Ella, Super Spicy at Viva La Vida.

Kabuuang P1 mil­yon ang premyong pag­lalabanan at ang mananalo ay mag-uuwi ng P600,000.00 unang gantimpala.

Sa Agosto 18 itinakda ang final declaration habang ang bolahan ay gagawin sa Agosto 22.

Apat na yugto ang gagawing pakarera para sa mga juvenile horses at ang pangalawang leg ay kakikitaan pa rin ng pagsasama-sama ng mga colts at fillies sa iisang karera.

Gagawin ito sa Me­tro Turf Club sa Malvar, Batangas sa Setyembre 21 sa 1,200-metro distansya.

Paghihiwalayin naman ang mga colts sa fillies sa ikatlo at ikaapat na yugto ng karera.

Ang 3rd leg ay gagawin sa Oktubre 19 (fillies) at 19 (colts) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa 1,400-metro distanya habang ang ikaapat at hu­ling leg ay mapapanood sa Nobyembre 15 (fillies) at 16 (colts) sa Santa Ana Park sa 1,600-metro distansya.

Ang mga mahuhusay na 2-year old horses ay inaasahang magpapa­ngita sa Philracom Juvenile Championship sa isang milyang distansya sa Dis­yembre 28 sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).

Ang kikilalaning juvenile champion ng 2014 ang siyang ipalalagay na magiging paborito sa 2015 Triple Crown Championship na prem­yadong karera para sa mga edad tatlong taong gulang.

Noong nakaraang taon, ang Kid Molave ang siyang nagkampeon sa Juvenile Championship at pinangatawanan ng kabayo ang pagi­ging pinakamahusay sa kanyang hanay matapos walisin ang tatlong yugtong karera para maging ika-10 sa listahan ng mga Triple Crown cham­pions. (AT)

vuukle comment

AGOSTO

CATS EXPRESS

CAVITE

COOK A

DOODLE DOO

HOOK SHOT

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with