Ballmer bagong may-ari ng LA Clippers
LOS ANGELES -- Opisyal nang kinilala si Steve Ballmer bilang bagong team owner ng Clippers matapos ang pagbili sa prangkisa ng record $2 billion na nagpatalsik kay Donald Sterling bilang pinakamatagal na may-ari ng koponan.
Binili ni Sterling ang Clippers noong 1981 sa halagang $12 milyon at namuno ng ilang dekada bago nakipaglaban sa kanyang dating asawa para sa pinakamahalaga niyang pagmamay-ari.
Isinara ang bentahan matapos kumpirmahin ng Los Angeles court ang awtoridad ni Shelly Sterling, sa ngalan ng Sterling Family Trust, para ibenta ang prangkisa sa dating Microsoft CEO.
“I hate losing the team,’’ sabi ni Shelly sa isang news conference. “It feels good. It would have felt good to own the team, too.”
Nauna nang inaprubahan ng NBA Board of Governors ang pagbebenta sa Clippers.
“Really excited - in a pretty hardcore way - to continue the path to ma-king the Clippers a better and better basketball team, and a better and better citizen of the Los Angeles community,’’ sabi ni Ballmer sa The Associated Press sa isang phone interview.
Nagsimula ang drama noong Abril nang lumitaw ang isang recording ni Donald Sterling na pinapagalitan ang kanyang nobya dahil sa pagdadala ng black men sa Clippers games.
- Latest