NCAA All-STARS sa Aug. 16
MANILA, Philippines - Magtatagpo ang mga pinakamahuhusay na players ng NCAA para sa kauna-unahang All-Star Game sa 90-taong kasaysayan ng liga sa Agosto 16 sa The Arena sa San Juan City.
Hinati ni NCAA Management Committee chairman Paul Supan ng Season 90 host Jose Rizal University ang mga eskuwelahan sa dalawang grupo.
Ang isa ay pinangalanang East All-Star at ang isa ay ang West All-Star.
Ang East ay kabibilangan ng mga top players mula sa San Beda, Perpetual Help, Arellano University, San Sebastian at Jose Rizal, habang nasa West ang mga pambato ng College of St. Benilde, Emilio Aguinaldo, Letran, Mapua at Lyceum.
Kabilang sa mga best players ng East ay sina Baser Amer at Arthur dela Cruz ng San Beda, Bradwyn Guinto ng San Sebastian at Earl Scottie Thompson, Harold Arboleda at Juneric Baloria ng Perpetual.
Ang iba pang nasa East ay sina Prince Cape-ral, Isiah Ciriacruz at John Pinto ng Arellano, Jaymar Perez at Jovit dela Cruz ng San Sebastian, Philip Pa-niamogan, Michael Ma-bulac at Bernabe Teodoro ng Jose Rizal at Kyle Pascual ng San Beda.
Ang West ay babanderahan naman nina Ke-vin Racal at Mark Cruz ng Letran, Joseph Ga-bayni ng Lyceum, Mark Romero at Juan Paulo Taha ng St. Benilde.
Kasama rin sa koponan sina Jack Arquero, John Tayongtong at Jan Jamon ng EAC, Roberto Bartolo ng St. Benilde, Jeson Cantos, Jessie Saitana at Andrew Estrella ng Mapua, Shane Ko at Dexter Zamora ng Lyceum at Rey Nambatac ng Letran.
- Latest