^

PM Sports

PLDT Home Telpad, Phil. Army gustong makalapit sa Final 4

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalapit sa tiket sa Final Four ang PLDT Home Telpad at ang Philippine Army sa pagsagupa sa magkahiwalay na karibal sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon.

Sasagupain ng Turbo Boosters ang Air Force Raiders ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Lady Troopers at National University Lady Bulldogs sa alas-4 at ang salpukan ng nagdedepensang Cagayan Valley Rising Suns at ng Ateneo Lady Eagles ay alas-6 ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Inaasahang mas magiging maigting ang bakbakan ng mga koponan sa pagpitas ng panalo sa mid-season conference ng ligang itinataguyod ng Shakey’s at suportado ng Mikasa at Accel.

Nanggaling ang PLDT sa thee-set victory laban sa NU noong Martes, habang nakalasap ang Air Force ng five-set loss sa Ateneo noong Huwebes.

Nauna nang tinalo ng Power Attackers ang Raiders sa eliminasyon noong Hulyo 24.

Sa ikalawang laro, hangad ng Lady Troopers na maduplika ang kanilang 3-1 set win sa Rising Suns noong Huwebes sa pagharap sa Lady Bulldogs para palakasin ang kanilang tsansa sa crossover semifinals.

Sa semis, sasagupain ng No. 1 ang No. 4 team at haharapin ng No. 2 ang No. 3 sa dalawang pares ng best-of-three semis.

Inaasahang mas tatapunan ng atensyon ang banggaan ng Rising Suns at ng Lady Eagles, nagtala ng dalawang sunod na panalo sa quarters.

Para makakuha ng playoff sa semis, kailangan ng Ateneo, ang UAAP champions, na walisin ang kanilang huling tatlong laro at ipanalangin na hindi makakuha ng pitong panalo ang Air Force. Kailangan din ng Lady Bulldogs na mawalis ang kanilang huling tatlong laban.

 

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE RAIDERS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

FINAL FOUR

HOME TELPAD

LADY BULLDOGS

LADY TROOPERS

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with