Lamang na lamang si Pacquiao sa pustahan
MANILA, Philippines - Sinasabi ni Chris Algieri na higit pa siya sa iniisip ng mga oddsma-kers sa kanya sa pustahan.
Sa pagbubukas ng tayaan, ang undefeated pride ng Huntington ay napakalaking underdog laban kay Filipino superstar Manny Pacquiao sa kanilang Nov. 23 clash sa Macau.
Base sa tayaan, mismatch ang labanan dahil si Pacquiao ay malapit nang maging 16-1 favorite.
Nang lumabas ang resulta ng tayaan noong nakaraang dalawang linggo, si Pacquiao ay -1400.
Ibig sabihin, kaila-ngang tumaya ng $1,400 para manalo ng $100 para kay Pacquiao. Para kay Algieri, siya ay +800 na ibig sabihin, ang ta-yang $100 ay mananalo ng $800.
Ganito nakikita ng mga oddsmakers ang laban nina Pacquiao at Algieri.
Ngunit sinabi ni Algieri, tangkang agawin ang WBO welterweight title mula kay Pacquiao, na balewala sa kanyang ang tingin ng mga odds-makers.
“That is fine by me,” sabi ng 30-gulang na American na may dugong Italian at Argentine sa The Sweet Science.
Anuman ang tingin ng iba, sinabi ni Algieri na balewala na ang lahat nang ito pag-akyat nila ni Pacquiao sa ring sa The Venetian Hotel, mahigit tatlong buwan mula ngayon.
“That is on paper. And on paper I am not supposed to win. Championships are won on intangibles, not on paper,” sabi ni Algieri.
Si Algieri ay ‘di natalo sa 20 fights habang si Pacquiao ay nakatikim ng limang talo sa 60-laban.
Sinabi ni Algie-ri na hindi na siya makapaghintay na makaharap si Pacquiao sa press tour na sisimulan sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.
Pagkatapos ng tour ay babalik siya sa intensibong training sa kanyang layuning pabilibin ang mga manonood ng kanyang pinakamala-king laban.
- Latest