Epekto ng injury ni Paul George
MANILA, Philippines - Ang pagkabali ng buto sa binti ni Paul George ay lumikha ng mga katanungan ukol sa hinaharap ng NBA players sa international competitions.
May posibilidad na hindi na maglalaro ang mga NBA players sa US national team para di matulad kay George na nabalian ng buto sa binti na sinasabing tumapos na ng kanyang career.
Posible ring hindi na payagan ng mga NBA teams ang kanilang mga players na lumaro sa US team para hindi rin madisgrasya at maapektuhan ang kanilng koponan.
Hindi pa ito ang iniisip ng U.S. national team dahil ang prayoridad nila ngayon ay ang paggaling ni George at kung ano ang kanilang gagawin dahil sa pagkawala niya.
“He’s a guy that would demand significant minutes ... even on a U.S. team, where he probably would’ve been a starter,” sabi ni coach Mike Krzyzewski sa conference call kung saan sinabi niyang maaari sanang lumarong power forward o small forward si George kung hindi ito naaksidente. “Paul is one of the great defensive players in the league.”
Tinanggal na sa team sina John Wall at Bradley Beal ng Washington kasama si Paul Millsap ng Atlanta. Kailangang bumaba sa 12 player ang 16-man pool bago magsimula ang World Cup of Basketball sa Aug. 30 sa Spain.
Ang mga natitirang players ay sina Kevin Durant ng Oklahoma City, Derrick Rose ng Chicago, Kyrie Irving ng Cleveland, Anthony Davis ng New Orlean, Stephen Curry at Klay Thompson ng Golden State, James Harden ng Houston, Kyle Korver ng Atlanta, DeMarcus Cousins ng Sacramento, Chandler Parsons ng Dallas, Gordon Hayward ng Utah, DeMar DeRozan ng Toronto, Damian Lillard ng Portland, Kenneth Faried ng Denver, Andre Drummond ng Detroit at Mason Plumlee ng Brooklyn.
Ang nangyari kay George na pinakamasamang aksidente na naranasan ng isang U.S. player sapul nang gamitin ang mga professional players noong 1992 ay nagbunga ng usap-usapang kailangang baguhin ang policy.
Pinalutang nina dating NBA Commissioner David Stern at kasalukuyang Commissioner Adam Silver ang ideya na under-23 Olympic tournament bago ang 2012 Games, isang pagbabago na ‘di siguradong ikokonsidera ng mga players o ng world governing body na FIBA.
“We can only deal with the facts as they are. Players are allowed to play; owners are not to dissuade them from playing,” sabi ni USA Basketball chairman Jerry Colangelo na sinabing ang kinalalagyan ng stanchion ang dahilan ng pagkaka-injury ni George. “It’s all part of an agreement, and as long as the rules are as they are, we’ll continue on that basis until it changes.”
- Latest