^

PM Sports

Cid sa Adopt An Olympian

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isama na si SEA Games decathlon champion Jesson Ramil Cid sa mga atleta ng PATAFA na mabibigyan ng corporate sponsor bilang bahagi ng ‘Adopt an Olympian.’

Ipinakilala kahapon ni James Laferty,  ang utak ng proyekto na nakatuon sa 2016 Rio Olympics, ang Wong Chu King Foundation na siyang tutulong kay Cid sa loob ng dalawang taon sa hanga-ring makapagbigay ito ng medalya sa Olympics.

Halagang P160,000.00 kada-buwan o kabuuang P3.84 milyon ang ilalabas na tulong pinansyal ng Foundation na tumutulong sa libreng pagpapaaral sa mga kapus-palad  na kabataan sa buong bansa.

“Jesson had accepted the conditions laid down to be part of the program. He is the third athlete of PATAFA to join the program,” wika ni Laferty sa pulong pambalitaan kahapon sa Club Filipino sa Greenhills, San  Juan City.

Si SEA Games long jump record holder Marestella Torres ang unang kinuha sa programa mismo ni Laferty habang ang asawang si Eleazer Sunang na atleta sa shotput, ay tinutulungan ng Diamon Auto Leasing.

Hangad ni Laferty ang makakuha ng lima hanggang pitong atleta sa programa na sasanayin sa loob ng dalawang taon sa tulong ng mga eksperto sa kanilang laro, sports science at iba pa na ginagamit ng ibang mahuhusay na bansa sa athletics.

Ang inaasahang resulta ng programa ay makapaghatid ng medalya sa Rio Olympics.

“Ito po ay isang oportunidad para sa akin para makasama sa Olympics at hindi ko talaga ito papa-kawalan,”  tugon ni Cid na isang two-time MVP sa UAAP habang naglalaro sa FEU. (AT)

vuukle comment

CLUB FILIPINO

DIAMON AUTO LEASING

ELEAZER SUNANG

JAMES LAFERTY

JESSON RAMIL CID

JUAN CITY

LAFERTY

MARESTELLA TORRES

RIO OLYMPICS

WONG CHU KING FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with