Esplanada, Canino kampeon sa CDO Shell Youth chessfest
MANILA, Philippines - Winalis ni Jethro Esplanada ng University of San Jose-Recoletos ang tatlo niyang laro, kasama ang panalo sa final round kay John Ray Batucan, para angkinin ang juniors crown, habang kinopo ni Romeo Canino ang kiddies plum ng Shell National Youth Active Chess Championship Northern Mindanao leg sa SM City sa Cagayan de Oro City noong Linggo.
Tinalo ng fourth-ranked na si Esplanada, kalahating puntos ang agwat kay Batucan matapos ang six rounds, sina John Acedo at Paul Omongos sa 9-round tournament kasunod ang panalo kay Batucan para maging solo champion sa 20-and-under class mula sa kanyang 8.5 points.
Pumangalawa naman si top seed Felix Balbona, binigo sina Batucan sa se-venth round at Jimson Trangia sa eighth round, kay Diego Claro sa final round para makakuha ng tiket sa grand finals ng annual event na itinataguyod ng Pilipinas Shell.
Makakasama din sa grand finals na nakatakda sa Oktubre 11-12 sa SM Megamall si Julie Anne Opema nang magtapos bilang top female player.
Bumandera naman si Canino sa kiddies section sa kanyang isinulong na 8.5 points.
Dumalo sa awards rites sina Pilipinas Shell Social Investment manager Jackie Ampil, Shell CDO Terminal manager Gene Abrantes, Shell Iligan dealer Bebot Perez at Shell CDO Retail Territory manager Mark Calo.
Samantala, ang Southern Mindanao leg ay idaraos sa Agosto 30-31 sa SM City sa Davao City.
- Latest