Pinoy chessers sasagupa sa Afghanistan
MANILA, Philippines - Makakatapat ng Philippine men’s chess team ang Afghanistan para sa una nilang asignatura sa first round ng 41st World Chess Olympiad sa Tromso, Norway.
Itatampok ng koponan si Grand Master Eugene Torre na nasa kanyang makasaysayang pang-22 Olympiad appearance katuwang sina GMs Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez, International Master Paulo Bersamina at playing captain GM Jayson Gonzales.
Gagamitin sa 11-round tournament ang match-point scoring format.
Si Sadorra ang maglalaro sa top board matapos lumipat si GM Wesley So sa United States Chess Federation at maging assistant coach.
Sina FIDE Masters Kooshani Mahbuboollah (2036) at Asefi Zaheeruddeen (1996) ang babandera para sa tropa ng Afghanistan.
Sina Cheradine Camacho, Janelle Mae Frayna, Jan Jodilyn Fronda, Catherine Perena at Christy Lamiel Bernales ang tatapat sa Palau.
- Latest