^

PM Sports

Pacquiao preparado sa 5’10 na si Algieri

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang pagkakataon na nga bang nakasagupa ang 5-foot-6 na si Manny Pacquiao ng boksingerong mas ma­­laki sa kan­ya.

Kaya hindi na bago kay ‘Pacman’ ang harapin ang 5’10 na si Chris Algieri sa kanyang pagdedepensa ng suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

“Hindi naman (agrabyado). Palagi namang ganun ang mga kalaban ko eh,” sabi ng 35-anyos na si Pacquiao sa pagsagupa sa 30-anyos na si Algieri sa isang pa­nayam sa telebisyon.

Ilan sa mga matatangkad na tinalo na ni Pacquiao ay sina 5’11 Antonio Margarito at 5’8 Oscar Dela Ho­ya.

Pinasaringan ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) si Algieri (20-0-0, 8 KOs) na hindi pa natatalo sa kanyang laban.

“Exciting (na laban) ito. Matagal-tagal na walang knockout ‘yung mga laban ko,” wika ng Sarangani Congressman.

Si Algieri ay ang bagong WBO light weltertweight titlist matapos agawin ang korona kay Ruslan Provodnikov na dating sparmate ni Pacquiao.

Inihayag na ni Bob Arum ng Top Rank na sisimulan ang media tour para sa Pacquiao-Algieri cham­pionship fight sa Agosto 25 sa Macau, China.

Mula dito ay dadalhin ang media tour nina Pacquiao at Algieri sa Shanghai, China at Taipei bago du­mi­retso sa United States.

Sa US ay bibisitahin ng delegasyon ang Los Ange­les, San Francisco, New York at posibleng sa Las Ve­gas, Nevada.

ALGIERI

ANTONIO MARGARITO

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

LAS VE

LOS ANGE

MACAU

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with