Pinoy Pride XXVII idaraos sa Dubai
MANILA, Philippines - Matapos ang technical knock-out victories nina Jason at Albert Pagara noong nakaraang buwan sa Pinoy Pride XXVI, magtutulong ang premier network na The Filipino Channel (TFC), ABS-CBN Corporation’s sports channel ABS-CBN Sports + Action at ang ALA Promotions sa pagdaraos ng “Pinoy Pride XXVII: Duel in Dubai” sa Setyembre 5 sa Dubai World Trade Center.
Ang Pinoy Pride series ay kinatatampkan ng mga pinakamagagaling na Filipino fighters katapat ang kanilang mga foreign rivals bawat taon.
Para sa Pinoy Pride XXVII, tatlong Pinoy po-werhouse boxers ang sasagupa sa foreign champions.
Ang main event ay ang pagdedepensa ni undefeated World Boxing Organization (WBO) Intercontinental Super Bantamweight champion Ge-nesis ‘Azukal’ Servania, tubong Bacolod City, laban kay Mexican Jose ‘Matador’ Cabrera.
Maglalaban naman sina Bacolod native ‘King’ Arthur Villanueva at Nicaraguan fighting beast Henry ‘El Crespo’ Maldonado para sa International Boxing Federation (IBF) Junior Bantamweight title.
Lalabanan naman ni Rey ‘Boom-Boom’ Bautista si Mexican boxer Juan Jose ‘Piquet’ Martinez sa isang non-title bout.
“We are optimistic that this will be one of the biggest and grandest boxing events in Dubai and we are excited to see our kababayans enjoy the bouts, take pride in the innate boxing skills of the Filipino and give their all-out support for the fighters,” sabi ni Managing Director for ABS-CBN Middle East at ABS-CBN Europe Edgardo Garcia sa nasabing boxing event.
Para sa updates, bisitahin ang www.facebook.com/TFCMiddleEast o i-follow ang @KapamilyaTFC sa twitter at instagram.
- Latest