^

PM Sports

Pagbebenta sa L.A. Clippers pinayagan ng Superior Court Judge

Pang-masa

LOS ANGELES – Na­bigo si Los Angeles Clip­pers team owner Do­nald Sterling sa kanyang tangkang pagharang sa pag­bebenta sa koponan niya sa halagang $2 bil­yon kay dating Microsoft CEO Steve Ballmer.

Sa pagpayag na ituloy ang kasunduan, kinatigan ni Superior Court Judge Michael Levanas ang da­ting asawa ni Sterling na si Shelly na siyang na­ki­pagkasundo para sa re­cord sale matapos i-ban ng NBA ang 80-anyos na bil­yonaryo dahil sa offensive remarks nito tungkol sa mga ‘black people’.

Pinamunuan ni Shel­ly ang pagbebenta sa prangkisa matapos malaman ng mga duktor na si Sterling ay may mga sintomas ng Alzheimer's disease at hin­­di direktang maaasika­so ang Clippers.

Sinabi ng judge na na­kapagplantsa si Shelly ng magandang kasundu­an at ang pagtatanggal sa kanyang asawa bilang co-trustee ay ginawa sa malinis na paraan.

Niyakap ni Shelly ang kanyang lawyer at lu­muha matapos ipaliwanag ng judge ang kanyang de­sisyon.

“I can't believe it's over. This is the best thing,” wika ni Shelly.

Isang ‘unusual provi­sion’ ng desisyon ng judge ang nagbabawal kay Sterling na kumuha ng court-ordered delay sa pag­bebenta habang siya ay umaapela.

Plano ng kanyang mga abogado na makakuha ng permiso mula sa appellate court para magsumite ng apela.

Wala si Sterling sa kor­te nang ibaba ang desis­yon.

Bukod sa pagba-ban, pinatawan din ng NBA si Sterling ng $2.5 milyong multa dahil sa kanyang ra­cist remarks.

BUKOD

ISANG

KANYANG

LOS ANGELES CLIP

MICROSOFT

NIYAKAP

SHY

STEVE BALLMER

SUPERIOR COURT JUDGE MICHAEL LEVANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with