^

PM Sports

Lyceum magpapalakas sa No. 3

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palalakasin  pa ng Ly­ce­um Pirates ang pagka­pit sa ikatlong puwesto sa pagharap sa Perpetual Help Altas sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball tournament nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Sa alas-2 ng hapon ma­gaganap ang tungga­lian at nakataya sa tropa ni coach Bonnie Tan ang ikaapat na sunod na pana­lo na maglalapit din sa ko­ponan sa mga nangu­ngunang San Beda Red Lions at Arellano Chiefs sa magkatulad na 5-1 ba­raha.

Ang huling tinalo ng Pi­­rates ay ang Emilio Aguinaldo College Gene­rals, 73-67, at aasahan ng koponan ang husay ni­na Guy Mbida, Joseph Gabayni, Dexter Zamora at Wilson Baltazar para higitan ang ipakikitang Al­tas na may dalawang su­nod na kabiguan.

“Kailangang maging han­da dahil galing sa da­la­wang sunod  na talo ang Perpetual at tiyak na gustung-gusto nilang makabangon,” wika ni Tan.

Sina Earl Scottie Thompson, Juneric Baloria at Harold Arboleda na naghahatid ng 56 puntos average ang muling sa­san­dalan ng Altas.

Pero dapat na magi­sing ang ibang kasamahan para may makaaga­pay ang kanilang mga ka­mador.

Mag-uunahan din ang Letran Knights at Ge­ne­rals na wakasan ang ka­ma­lasan sa kanilang pagtutuos sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Magkasalo ang dalawang koponan sa magka­tulad na 1-4 karta para sa ika-walo at siyam na puwesto at ang Knights ay may dalawang sunod na kabiguan, habang apat na diretsong talo ang tangan ng Generals.

Babalik sa bench si Le­tran coach Ca­loy Garcia.

ARELLANO CHIEFS

BONNIE TAN

DEXTER ZAMORA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

GUY MBIDA

HAROLD ARBOLEDA

JOSEPH GABAYNI

JUNERIC BALORIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with