CSB, MIT nakatikim
MANILA, Philippines - Tunay ang ginagawang pagbangon ng St. Benilde Blazers nang pabagsakin ang dating nagsosolo sa itaas na four-time defending champion San Beda Red Lions, 83-76 sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi lamang dito natapos ang panggugulat ng mga dehadong koponan dahil ang Mapua Cardinals ay kinakitaan ng matikas na paglalaro sa 89-81 tagumpay sa San Sebastian Stags sa ikalawang laro.
Unang panalo ito ng Cardinals matapos ang anim na sunod na pagka-talo at naulit ang nangyari noong nakaraang taon nang kinuha rin ng koponan ni coach Fortunato ‘Atoy’ Co ang unang tagumpay sa Stags, 104-99, sa double overtime.
“Parang na rin ka-ming nag-champion,” wika ni Blazers coach Gabby Velasco na nakasalo ang Stags at host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 3-3 baraha.
Ito rin ang unang panalo ng Benilde sa San Beda matapos ang 91-86 tagumpay noon pang Agosto 26, 2005.
Nanalo ang Blazers sa Lions noong 2008 pero hindi sa laro kungdi dahil sa mali ang uniporme ng dating San Beda import na si Sam Ekwe.
Nakahanap ng paraan ang Blazers na butasan ang dating matikas na depensa ng tropa ni coach Boyet Fernandez nang makaiskor ng 28 puntos.
Kinamada ni Mark Romero ang 12 sa kanyang nangungunang 20 puntos sa huling 10 minuto ng labanan at ang tatlong sunod na lay-up ang nagbigay ng 77-71 kalamangan.
Unang pagkatalo ito matapos ang limang sunod na panalo ng Lions para buksan ang pintuan sa Arellano Chiefs na saluhan sila sa liderato.
May 24 puntos si Jessie Saitanan pero maganda rin ang ipinakita nina Carlos Isit, Jeson Cantos at Heses Gabo na kumamada ng tig-14 puntos.
Si Andrew Estrella ay tumapos taglay ang siyam na puntos at siya ang si-nandalan ng Cardinals para itala ang pinakamala-king kalamangan sa laro na 11 puntos, 85-74.
- Latest