^

PM Sports

Kid Molave hinirang na Triple Crown champion

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi binigo ng Kid Molave ang bayang kareris­ta na naniniwala na masasama ito sa hanay ng mga Triple Crown champions nang pagharian ang ikatlo at huling yugto kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ginalit nang husto ni John Alvin Guce ang kabayo papasok sa huling kurbada para dito tuluyang mailabas ng Kid Molave ang angking tulin at balewalain ang matinding hamon na ipinamalas ng Low Profile ni Mark Alvarez patungo sa panalo sa 2,000-metro dis­tansyang karera.

Naorasan ang three-year old colt na may lahing In­to Mischief at Unsaid ng 2:07 sa kuwartos na 24, 25, 26’, 25 at 26’ para maging ika-10 kabayo na winalis ang karerang handog ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa mga three-year old horses.

Bago ang Kid Molave, ang mga naunang kabayo na kinilala bilang Triple Crown champion mula nang sinimulan ang karera noong 1978 ay ang Fair And Square (1981), Skywalker (1983), Time Master (1987), Magic Showtime (1988), Sun Dancer (1989), Strong Material (1996), Real Top (1998), Silver Story (2001) at Hagdang Bato (2012).

Ngunit ang Kid Molave ang bukod-tanging ki­kilalanin bilang kauna-unahang Triple Crown champion na nanalo gamit ang tatlong magkakaibang race tracks.

Ang first leg ay itinakbo sa 1,600-metro at ginawa sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas, habang ang second leg na pinag­la­banan sa 1,800-metro ay itinakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

“Blessing talaga ito pa­ra sa akin. It is every horse owners’ dream to have a champion horse. Hin­di ko masabi kung ano ang feeling,” wika ng may-ari ng kabayo na si Manny Santos na naibulsa ang P1.8 milyong prem­yo buhat sa P3 milyon na pinaglabanan bukod sa bonus na P500,000.00 matapos walisin ang lahat ng yugto.

May pakonsuwelong P675,000.00 ang connec­tions ng Low Profile, ha­bang ang King Bull ni Jo­nathan Hernandez at Ma­cho Machine ni Fer­nan­do Raquel Jr. ang pu­mangatlo at pumang-apat pa­ra sa P375,000.00 at P150,000.00 premyo.

CAVITE

FAIR AND SQUARE

HAGDANG BATO

JOHN ALVIN GUCE

KID MOLAVE

KING BULL

LOW PROFILE

SHY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with