^

PM Sports

Arellano dinaig ang Perpetual

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumanang muli ang mga kamay ng tinaguriang ‘Big Three’’ ng Per­pe­tual Help Altas pero hin­di ito umubra sa solidong teamwork ng Arellano Chiefs para kunin ng huli ang 97-85 panalo sa natata­nging seniors game sa 90th NCAA basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nakitaan ng katatagan ang Chiefs sa huling minuto sa ikatlong yugto  bago tuluyang kumawala ang mabangis na opensa sa huling 10 minuto ng labanan para sungkitin ang  ikalimang panalo sa anim na laro.

“I knew we had a chance to compete but I didn’t expect  we’ll play this great,” wika ni Chiefs’ rookie coach Jerry Co­diñera.

Si Keith Agovida ay may 22 points at 10 rebounds, habang sina John Pinto, Jiovani Jalalon, Le­vi Hernandez at Allen En­riquez  ay nagtala ng doble-pigura at nagsanib sa 60 puntos para sa Arellano.

May 25 puntos si Earl Thompson, si Harold Arboleda ay may 24 at 18 ang ibinigay ni Juneric Baloria pero hindi sila nasuportahan ng bench para lasapin ang ikalawang sunod na pagkatalo tungo sa 3-2 karta ng Perpetual.

Bumaba ang Altas mu­la sa pangatlong pu­wes­to patungo sa paki­ki­sosyo sa pang-apat na puwesto kasama ang pahingang San Sebastian Stags.

Apat na puntos ang ginawa ni Pinto para sa 6-0 run sa pagtatapos ng ikatlong yugto upang ang apat na puntos na pag­ka­kaiwan sa first  half, 41-45, ay naging 68-64 ka­lamangan papasok sa huling yugto.

ARELLANO 97 – Ago­vida 22, Pinto 19, Jalalon 16, Hernandez 14, Enriquez 11, Salcedo 4, Holts 4, Ortega 3, Nicholls 2, Gumaru 1, Bangga 1, Ciriacruz 0, Pal­ma 0, Caperal 0.

Perpetual 85 – Thompson 25, Arboleda 24, Baloria 18, Jolangcob 7, Alano 5, Oliveria 2, Dizon 2, Lucente 2, Ylagan 0, Bantayan 0, Gallardo 0.

Quarterscores: 22-21, 41-45, 68-64, 97-85.

ALLEN EN

ARELLANO CHIEFS

BIG THREE

EARL THOMPSON

HAROLD ARBOLEDA

HELP ALTAS

HERNANDEZ

JERRY CO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with